BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday 14 September 2011

"Real And True Love"

"backstage" a musical love story

"The REASON" - FIRST LOVE STORY on Video Inspired by Marcelo Santos III

"Real Love"

Ano ba ang Real Love? paano mo ba masasabi na ito ay isang Real Love, na totoong pag ibig na pala ang nararamdaman mo sa isang tao? Ang isang Real Love ay hindi kayang bigyang ng isang depinisyon ng isang matalinong tao, mga libro at iba pang mga pahina na pwedeng pag-kuhanan ng isang impormasyon, dahil ang makakapagbigay lang ng depinisyon ng isang Real Love ay iyong mga taong nagmahal talaga ng totoo hindi iyong nagmahal-mahalan lang. 


Dahil bawat tao sa Mundo ay may sariling depinasyon ng isang Real Love, may mga taong nagsasabi na ang Real love ay isang sacrifice, may mga nagsasabi naman na anf Real Love ay isang emotion na maaari tayong masaktan ngunit patuloy parin natin itinutuloy, bawat tao sa mundo ay iba-iba ang mga paniniwala sa meaning ng Real Love or maaari rin tawagin nating True love.


 Ang Real Love para sakin ay ito ang emotion na kakaiba kung baga unique sa lahat ng emotion na iyong nararamdaman. Hindi ko pa alam noon ang ibig sabihin ng isang Real Love kaya simula ng ako ay nasa edad katorse eh hinanap ko talaga ang tunay na ibig sabihn ng isang Real Love gusto ko tong maramdaman at ma-experience dahil noong ako ay bata pa gusto kong maintindihan ang sinasabi ng magulang ko,mga lolo't lolo ko mga tito't tita ko mga pinsan at iba pa tungkol sa Salitang Real Love, kaya hinanap ko to at sa dami-daming dumaan na babae sa  buhay ko..hindi ko nahanap sa kanila ang tunay na ibig sabihan ng isang Real Love kungdi ako pa ang nagbigay depinisyon ng Pag ibig sa kanila ang salitang Manakit o Sakit ng Love.


 Kaya huminto ako sa Paghahanap ng tunay na meaning ng Real Love . ngunit sa isang iglap ung hinahanp mo palang Real Love ay kusang magpapakita sa iyo at mag paparamdam ng tunay na ibig sabihn ng Real Love at nararanasan ko na iyon ngayon sa babaeng nagmulat sakin kung gaano talaga kasarap magmahal. hindi ko maexplain ang pakiramdam na ito pero ito iyong kaya mong gawin lahat para sa iyong mahal na para bang meron kayong sariling mundo na kayo lang ang nilalang doon na kayang mong magsakripisyo, magtiwala ng tapat at iba pa. ito iyong bumabago sa pagkatao mo na dati ay may mga bagay kang hindi nakakabuti sayo ngunit dahil sa Real Love automatik itong nagbabago..at naun panahon na ito tlagang nahanap ko na an ibig sabihn ng isang Real Love at hindi pala ito masasabi ng isang salita lamang kungdi..ito'y mararanasan mo at malalaman mo nalang na iyon pala ang Real Love.